Monday, September 10, 2018

Tahanan ng isang sugarol

"ALAMIN KUNG GAANO KAHALAGA ANG PAIMILYA NG TAHANAN NG ISANG SUGAROL"


BAKIT NATIN BASAHIN ANG TAHANAN NG ISANG SUGAROL?

Dapat natin ito basahin dahil ito ay nakakakuha ng aral bawat isa sa ating mga tao. Gaya nalang sa naggawa ng kanilang ama sa kanyang pamilya na mas inuna niya ang sugal kaysa sa kanyang mahal sa buhay. Laking pagsisi ang naidulot ng kanilang ama sa kanyang naggawa, kayat huwag tayo magpapadala sa mga bagay na di dapat natin gawin dahil nasa huli ang pagsisisi. Dapat din natin alamin ang mga ganito dahil kung hindi waka kang matutuhan na aral at padalos dalos lang ang iyong pag dedesisyon, dapat pagisipan natin ng mabuti ang ating mga desisyon dahil hindi ito madali. Kahit bata o matanda dapat alamin natin ang mga ito dahil para rin ito sa ating buhay, kayat maaga pa gumawa tayo ng mabubuting bagay, kung maynaggawa kamang kasalan huwag kang bibitaw dahil maayos din yan at syempre sabay sabay natin harapin ang ating mga problema dahil habang may buhay may pag asa.


TAHANAN NG ISANG SUGAROL

Image result for tahanan ng isang sugarol buod


SINO SI RUSTICA CARPIO?

Si Rustica Carpio ay isang batikang aktres at manunulat na ipinanganak noong Agosto 9, 1930 sa lalawigan ng Bulacan. Nag-aral sa College of Commerce sa Manila na ngayon ay kilala bilang Polytechnic University of the Philippines o PUP. Siya ay nakapagtapos sa unibersidad na ito nang may mga parangal/ honor. Bukod dito ay itinuloy niya ang pag-aaral sa kursong Bachelor of Arts, major in English sa Manuel L. Quezon University (MLQU) at pinagaralan bilang Magna cum laude. Naging isang iskolar sa Fulbright at International House sa New york University at kumuha ng kaniyang PhD sa Literature, meritissimus noong 1979 sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay nakapagsulat ng mahigit 200 na journalistic articles, libro, scripts, at mga kwento na nailathala sa loob at labas ng bansa. Siya rin ay naging dekana sa dalawang magkaibang paaralan sa Maynila. At madalas ding nagtatanghal sa mga dulang pantanghalan.

TAUHAN NG TAHANAN NG ISANG SUGAROL:

1.Lian-chiao - ina ng magkapatid na Siao-lan at Ah Yue, nasa 25 na taong gulang, kasalukuyang nagdadalang tao, sya ay may sugat sa noo na dulot ng pagkakapalo ng matigas na bagay, ang labi nya ay di maayos, 
2.Li Hua - ang tatay ng magkaptid at asawa ni Lian-chiao, palaging nsagsusugal at darating na galit na galit sa twing gagabihin at wala pang pagkain sa hapagkainan, payat at matangkad, 
3.Siao-lan - anak na babae, 3 taon gulang
4.Ah Yue - maaring nasa edad na 6 o 7


BOUD NG TAHANAN NG ISANG SUGAROL:

Tungkol ito sa isang ama (Li Hua) na ang ginagawa ay pagsusugal lang. Ang kanyang asawa na si Lian Chiao at meron silang dalawang anak si (Ah Yueh) at (shao Lan).

Ang pangalan naman nang sugalan ay Hsiang Chi Coffee Shop,maganda ang storyang ito. Kahit na buntis si Lian Chiao ay siya parin ang gumagawa ng mga gawain ng bahay sa umaga hanggat sa gabi, Ang asawa nyang si Li Hua ay umuuwi lang kumain at sya pa ang nagpapaligo nito. Pag nagkamali sya sa kilos Bugbog sarado agad.Namaga pa nga ang pisngi nya sa pag suntok sa kanya ng asawa nya na si Li Hua.

Nag handa sya ng Ta Feng Ho para sa pag panganak nya. At nong gabi na sumakit ang tiyan ni Lian Chiao.hindi nya na matiis ang sakit ng kanyang tiyan para na syang manganganak, gigisingin nya sana si Ah Yueh pero naisip nya na pagod ito sa pag ta trabaho, kaya dapat wag nalang nyang gisingin, inisip nya na puntahan ang kanyang asawa sa sugalon, lumabas sya at pinuntahan ang kanyang asawa sa sugalan kahit madilim at tahimik ang daan, kinabahan sya dahil sa sobrang dilim. pag lapit nya nang maabot sa sugalan.

At nang sya ay marating kumatok sya sa pinto at may nagbukas yong may ari ng pasugalan at pag bukas bigla syang nahimatay at tinawag nya ang kanyang asawa na manganganak na sya pero sabi ng asawa nya "Teka lang tataposin ko muna to panalo na ako dito" Pero nong tinawag pa rin ni Lian Chiao ang kanyang asawa bigla itong nagalit tinitigan sya nito na parang nagagalit. Yong may ari nalang ang tumulong sa kanya para makarating sa hospital.




Moralidad:

Dapat huwag natin abusuhin ang mga mamayang walang kasalan, bigyan din natin sila ng respeto at respeto sa ating mga sarili at huwag abusuhin ang mga kababaihan at kabatan dahil bawat isa sa atin ay may karapatang mabuhay ng mapayapa. wala tayong makukuha sa pagsusugal, ito rin nakakasagabal sa kalidad na oras ng pamilya, pahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya.ihinto natin ang mga masasamang gawain sa ating buhay dahil wa tayong mahahantongan kung palagi tayong ganyan. dapat din natin iwasan ang mga bagay na hindi magugustuhan ng iba.